nothing.. just kaartehan..:) compilation lang ito ng notes ko sa FB.. hopefully madagdagan pa.. enjoy.. be inspired.. :)
Monday, July 23, 2012
one step at a time..
sa dami ng gusto kong gawin.. wala akong ni isa mang masimulan.. sa dami ng gusto kong puntahan.. di man lang ako makahakbang.. sa dami ng gusto ko labanan.. ni wala man lang akong magawa..
clock even ticks once at a time before it reaches a specific time.. and that's how it pursue its purpose.. ang tao lumalakad sa paisa-isang hakbang.. at sa maayos.. at malumanay na paraan.. sa matiyagang pagmamasid sa paligid.. mas naiiwasang makabangga at makasakit ng ibang taong nakakasalubong.. sa paraan na hindi nagmamadali.. mas nagkakaroon siya ng oras para makasama ang mga taong nakakasabay niya sa paglakad.. mas nae-enjoy niya rin angpaglalakad sa pagtingin sa magagandang tanawing kanyang nadadaanan..
kahit ang bawat araw paisa-isa lang kung dumaan.. hindi naman natatapos ang isang linggo na may isang araw na hindi nalagpasan..
kahit sa pagkain.. mas nalalasahan at mas nasasarapan tayo sa inihain kung paisa-isa lang ang kain..
maikli ang buhay.. pero God sets everything in process.. and everything has its own time.. its own season.. walang nakukuha sa madalian.. meron man.. pero malamang may nasaktan kang tao.. o di kaya ikaw mismo ang nasasaktan..
people should not rush things.. for things never rush people.. kaya ka niyan hintayin.. andyan lang yan.. hindi naman aalis yan.. kung may makakuha man na iba.. ibig sabihin hindi para sa iyo.. pasalamat ka.. kasi hindi yun ang binigay ni Lord.. kasi kung nakuha mo yun sa pagmamadali mo.. malamang madali din yun mawawala sa iyo.. eh di hahanap ka na naman ng iba.. unlike kung sa tamang proseso mo kinuha.. eh di mas mae-enjoy mo yung bagay na yun..
also.. God will never let people be in the place where His grace is not present.. ang tao.. kung ipinagdarasal ang mga bagay-bagay.. saan man siya mapunta.. saan man siya patungo.. hindi ka bibitawan ni Lord.. kapit ka lang din kasi baka naman ikaw ang kumakawala sa hawak niya.. kagustuhan mo yan.. choice mu yan.. kaya nga may free will eh.. so kung nasaan ka man ngayon.. wala ka pa man sa lugar na nais mong puntahan.. magsaya ka kasi kasabay mong maglakad ang pinaka-kailangan mo sa buhay mo..
huwag ka rin umasa na hindi ka makakasalubong ng mga taong mananakit sa iyo.. marame talagang ganyan.. hayaan mo sila.. buhay nila yun.. basta huwag mo lang din sila sasaktan.. ni huwag kang gaganti.. may dahilan kung bakit sila ganun.. anuman yun.. ipagdasal mo na lang.. basta ikaw.. steady ka lang.. tuloy mo lang ang hakbang..
life is an adventure.. it is a journey.. iba-ibang klaseng ang iyong madaraanan.. may mabato.. may patag.. may mabundok.. pero guided ka naman ni Lord.. kaya mo yan.. kaya hwag ka magmamadali.. baka iwan mo naman siya sa iyong pagmamadali..
now am smiling.. i dunno kung may sense.. basta antok na ako.. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment